Thursday, October 8, 2009

Stevia - natural substitute for sugar


Stevia plants (stevia rebaudiana) is a herbal plant know for it unique features, a natural sugar substitute that doesn’t add calories. Sometimes called as “candyleaf”. A traditional herbal medicine used to treat burns and other stomach problems, is said to also lower the blood pressure.

Studies said it is 200 times sweeter than sugar with the same amount of concentration. With no added calories an obvious solution to those with problem in taking the traditional sugar, especially does who suffer from diabetes.

Some health safety concerns arise with using the stevia plant, it is advised to consult the doctors before taking stevia as daily substitute for sugar.

Wednesday, October 7, 2009

Tuba-tuba - English

Tuba-tuba   - English
  
Kung gusto po ninyong mabasa sa Pilipino (Tagalog)
 Pumindot lamang po dito! 

Tuba-tuba is a herbal medicine with a scientific name Jotropha curcas, known in the Philippines as a remedy to bruise, and sprained ankle.  Yellow dye can be obtained from its  roots and blue dye from the bark.   The most promising part of this plant is the seed, that can be processed to produce alternative biofuel.
It is a plants that grows from a meter  to 8 meters of more, with a wide 5 lobed leaves, 5 to 8 inches long.

Use as herbal remedy for:

Bruise

Sprained ankle


How to prepare:

As a patch
  1. Wash the leaves
  2. Wipe it dry with clean cloth.
  3. Heat it in a low fire, then put some oil, natural oil from coconut is better, others use efficascent oil.
  4. Put it in affected area, wrap some used cloth or bandage.
       Replace it when the leaves are dry or brittle. 


Flower and fruit (ripe and dried)


Tuba tuba - Pilipino (Tagalog)

Tuba tuba   - Tagalog
  
To view in English Click here! 

Ang tuba-tuba ay isang halamang gamot na may sayantipikong pangalan na Jotropha curcas, kilala sa Pilipinas bilang isang lunas sa pasa at natapilok na bukong-bukong.  Kulay pulang katas ang makukuha sa ugat nito at kulay asul naman sa kanyang balat.  Ang isa sa pinaka may pag-asa o inaasahan na parte ng punong ito ay ang kaniyang bunga na maaaring gawing alternatibong pangatong (biofuel).
Ang halamang ito ay lumalaki ng mula sa isa hanggang 8 metro o mahigit pa, may malapad na dahon at may limang umbok, 5 hanggang 8 pulgada ang haba.


Ginagamit na gamot herbal sa:
     Pasa
     Natapilok (bukong-bukong)

Paano gamitin:
Bilang pantapal: 
  1. Gugasan ang dahon
  2. Punasan ng malinis na damit upang matuyo
  3. Painitin sa mahinang apoy, lagyan ng langis, (langis ng niyog), ang iba ay gumagamit ng efficascent oil.
  4. Ilagay sa apektadong bahagi, balutin ng damit o bendahe. 

       Palitan kung ang dahon ay tuyo o malutong na. 

Bulaklak at bunga (sariwa at tuyo)


Tuesday, October 6, 2009

Tawa-tawa - Pilipino (Tagalog)

Tawa-tawa - Tagalog

To view in English Click here! 



Ang tawa tawa ay isang halamang gamot na kilala din bilang gatas-gatas, may sayantipikong pangalan na Euphorbia hirta, tumutubo sa mga damuhan, daanan, palayan at kahit sa gilid ng kalsada.   Ang katutubong halaman na ito na may mabalahibong dahon ay itinuturing ng nakararaming mga Pilipino na isang  maalamat na panlunas sa sakit na dengue.
Nagbigay ng babala ang DOH sa mga gumagamit nito na mag-ingat, sa kadahilanang, nagpaparami lang ito ng platelets ng dugo at hindi panlaban sa virus ng dengue.
May iilan na seryosong malaman ang tunay na katutuhan kung nakakatulong nga ito laban sa dengue, ang mga mag-aaral ng UST – Faculty of Pharmacy ay nagsagawa ng pag-aaral ukol dito.  (pumindot dito para sa link)

 Ginagamit na gamot herbal sa:

Dengue

Pano ihanda:
Bilang inumin
  1. Hugasan ang mga dahon.
  2. Pakuluan sa tubig
  3. Itabi, palamigin at salain.
       Gamitin tatlong beses isang araw,  o gawing pamalit sa inumin.


Tawa-tawa - English

Tawa-tawa  - English
  
Kung gusto po ninyong mabasa sa Pilipino (Tagalog)
 Pumindot lamang po dito! 



Is a herbal medicine known also as gatas-gatas, scientifically know as Euphorbia hirta, grown in grasslands, pathways, rice fields or even in roadsides.  This indigenous plant,  a hairy herb is considered by many Pilipino as folkloric treatment or cure for dengue.
DOH warned those who use it with cautions.  Since they said that it only promotes the development of blood platelets, but does not fight the dengue virus. 
Others have taken the herb seriously, students of UST – Faculty of Pharmacy conducted a study with intent on finding out the truth. (click here for the link)

Use as herbal remedy for:

Dengue

How to prepare:
As drink
  1. Wash the leaves/steams
  2. Boil in water
  3. Set aside, cool and strain.

       Use 3 times a day, or use as you want.

Monday, October 5, 2009

Ulasimang bato – Pansit pansitan - English

Ulasimang bato – Pansit pansitan   - English
  
Kung gusto po ninyong mabasa sa Pilipino (Tagalog)
 Pumindot lamang po dito! 

Is a herbal medicine known also as ulasiman-bato, ulasiman-ilahas, singaw-singaw, sida-sida, tagulinaw  and tangon-tangon in some part of the Philippines, It’s English name is Peperomia, shiny bush, silver bush, clear weed, rat-ear and clear weed.

It is a wild plants that grows on damp and lightly shaded area, it  has a alternate  heart shaped leaves with a very succulent round steams, a green spikes, dot-like flowers that bear seed which fall of the ground and propagate.

Leaves and steam are edible, often use by some on a salad and can be eaten raw. 

Use as herbal remedy for:

Arthritis
Gout
Skin boils,
Wounds,
Burns,
Skin inflammation,
abscesses,
pimples,
Headache
Abdominal pains
kidney problems
Eye inflammation,
Sore throat,
Diarrhea,
Prostate problems
High blood pressure
Fever,
Renal problems
Mental excitement disorder .

How to prepare:
As vegetable
       The leaves and steams may be eaten raw, when freshly harvested and washed.
As drink
  1. Wash the leaves/steams
  2. Measure 2 glasses of water and 1 glass of leaves/steam.
  3. Boil
  4. Set aside, cool and strain.
       Use 2 times a day, 1 cup in the morning and 1 cup in the evening
For skin problems
        Wash and pound the leaves/steams and apply it directly to affected area. 

For headache
        Wash a couple of leaves, bruise the surface and apply on the forehead.

Ulasimang bato – Pansit pansitan - Pilipino (Tagalog)

Ulasimang bato – Pansit pansitan   - Tagalog
  
To view in English Clickhere! 

Ito ay isang  herbal na gamot at kilala din sa tawag na ulasiman-bato, ulasiman-ilahas, singaw-singaw, sida-sida, tagulinaw  at tangon-tangon sa ibang bahagi ng Pilipinas, ito ay kilala sa English name na Peperomia, shiny bush, silver bush, clear weed, rat-ear and clear weed.
Isang uri ng ilang na halamang tumutubo sa mga basa at nalililimang lugar, it ay may hugis pusong dahon na salitan ang pag-tubo sa pabilog at makatas na sanga, ang bulaklak nito ay maliliit na pabilog na nahuhulog sa lupa at dumadami.
Ang dahon at sanga nito ay maaaring kainin, ginagamit ito ng karamihan sa paggawa ng salad at maaaring kainin ng hilaw.
Ginagamit na gamot herbal sa:
Rayuma
Gout
Pigsa
Sugat
Sunog na balat
Pamamaga ng balat
Tagihawat
Sakit ng ulo
Sakit ng tiyan
Problema sa bato
Pamamaga ng mata
Sakit ng lalamunan
Pagtatae
Problema sa pantog
Mataas na dugo
Lagnat
Mental excitement disorder .

Paano ihanda:
Bilang gulay
       Ang dahon at tangkay nito ay maaaring kainin ng hilaw, kapag sariwang inani at hinugasan.
Bilang inumin
  1. Hugasan ang dahon / sanga
  2. Magsukat ng dalawang (2) baso ng tubig sa isang(1) baso ng dahon / tangkay
  3. Pakuluan
  4. Itabi, palamigin at salain.
       Inumin ng dalawang (2) beses isang araw, isang (1) baso sa umaga at isang (1) baso sa gabi.
Para sa balat
       Hugasan at dikdikin ang dahon / sanga at ipahid sa apektadong bahagi.
Para sa sakit ng ulo
        Hugasan ang ilang piraso ng dahon, bugbugin/pasain ang buong dahon at ilagay sa noo.

Sunday, October 4, 2009

Guava (Bayabas) - English

Kung gusto po ninyong mabasa sa Pilipino (Tagalog) Pumindot lamang po dito! 


Bayabas or guava – a small fruit bearing tree.   It’s leaves and fruits are widely used in the Philippines as herbal medicine and is recognized by the Philippine Department of Health for its antiseptic property.    
Bayabas or guava is used in herbal medicine as, anti-inflammatory, antimicrobial, antioxidant, anti-allergy, antiseptic , anti-plasmodial, antidiabetic, antigenotoxic and for treatment of cough.  Bayabas or guava fruit is known for being rich in vitamin C and vitamin A
Also use as bath for women after child birth, clean wounds and cuts.
Use as herbal remedy for:
Leaves and bark
     Wounds
     Cuts
 
     Burns
     Mouthwash

     Cough
     Baths for women after birth.
     Aromatic bath
     Wash and cleaning cut after circumcision   
     Feminine wash
     Gum swelling
     Nose bleeding
     Tooth ache
Fruits
     Source of vitamin C 
     Used as vegetable in cooking
     Canned and jelled

How to prepare:

As drink
  1. Wash the leaves
  2. Measure 3 glasses of water and 1 glass of leaves.
  3. Boil for 8 - 10 minutes.
  4. Set aside, cool and strain.
    Gargle as mouthwash
    For wounds, wash the affected area, 3 times a day.
    Use to clean and  soften the dressing in circumcision. 

As bath

             Use for first bath after giving birth.  Include a lot of leaves into a casserole of water and let it boil, and add it to the water for bathing, measure the temperature according to your preferences,  you can also use the leaves as sponge.  

Bayabas - Pilipino (Tagalog)

  
To view in English Click here! 



Ang bayabas ay isang maliit na puno na namumunga.   Ang dahon at bunga nito ay kilala sa at ginagamit na gamot sa Pilipinas, at ito ay kinikilala ng Philippine Department of Health dahil sa mabisang kakayahan nito.
Ang bayabas ay kilala bilang herbal na gamot na anti-inflammatory, antimicrobial, antioxidant, anti-allergy, antiseptic , anti-plasmodial, antidiabetic, antigenotoxic and for treatment of cough.  Ang bunga nito ay kilala na nagtataglay ng  bitamina C at bitamina  A
 Karaniwang din itong ginagamit na pampaligo sa mga bagong panganak, sa paglinis ng sugat at hiwa.
 Ginagamit na gamot herbal sa:

Dahon at balat
     Sugat
     Hiwa
 
     Sunog
     Panlinis ng bunganga

     Ubo
     Pampaligo sa bagong panganak
     Pampabango sa tubig pangligo
     Panlinis at panglanggas sa bagong tuli
     Panghugas sa maselang bahagi ng babae
     Pamamaga ng gilagid
     Pagdurugo ng ilong
     Sakit ng ngipin
Bunga
     Mapagkukunan ng bitamina C 
     Ginagamit na gulay sa pagluluto

Paano ang paghahanda

Bilang inumin
  1. Hugasang maigi ang dahon
  2. Isang (1) basong dahon sa tatlong (3) baso ng tubig.
  3. Pakuluan sa loog ng 8 hanggang 10 minuto.
  4. Itabi, palamigin at salain.
    Magmumog upang gawing panlinis sa bibig.
    Para sa sugat o hiwa, hugasan ang bahaging apektado, tatlong (3) beses isang araw.
    Ginagamit na panglanggas at panlinis ng mga bagong tuli.

Bilang pampaligo

           Ginagamit bilang sa unang pagligo ng bagong panganak.   
Ilagay ang maraming dahon sa isang kaserolang tubig at pakuluan, ihalo ito sa tubig na gagamitin sa paliligo, sukatin ng naayon sa nais na init,  maaari ding gamitin ang dahon bilang panghilod.

Saturday, October 3, 2009

Sambong - Pilipino (Tagalog)

To view in English Click here!



          Sambong (Blumea camphor, Ngai camphor sa English, Alibum, Alimon, Ayoban, Bukodkud, Dalapot, Gabuen, Gintin-gintin, Kambibon, Lalakdan san Visayas and Sob-sob, Subusub, Subsob sa Ilocos.) may sayantipikong pangalan na Blumea balsamifera isa sa 10 halamang gamot na kinikilala ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH – Department of Health) ng Pilipinas. Ito ay isang antiulithiasis ito ay tumutulong bilang isang diuretiko, ito ay nakakatulong na itapon ang labis na tubig at sosa (asin) sa katawan at tumutulong din matrato ang sakit sa bato, ginagamit din upang magamot ang sipon at katamtamang pagtaas ng dugo. Kilala din ito na nagtataglay ng Anti-diarrheic, Anti-gastralgic, anti-diarrhea at Anti-spasm.

          Karaniwang din itong ginagamit na pampaligo sa mga bagong panganak, sa paglinis ng sugat at hiwa.

Gamit bilang lunas sa mga sumusunod:

Dahon
     Tumutunaw ng bato sa pantog
     Manas
     Pagtaas ng dugo
     Rayuma
     Sipon
     Hika
     Bronchitis
     UTI
     Gamot para sa tiyan
     Vermifuge
     Mga problema sa paghinga
     Sugat
     Iti
     Namamagang lalamunan
     Bulate sa tiyan
     Pigsa
     Anti-diarrheic
     Anti-gastralgic

Tuyong dahon ginagamit na sigarilyo
     Sinusitis.

Ugat
     Lagnat

Paghahanda:

Inumin
  1. Hugasan ang dahon at hiwain ng maliliit.
  2. Sukating ang 2 baso ng tubig at isang basong hiniwang dahon.
  3. Pakuluan sa mahinang apoy sa loob ng 15 minuto sa kaserola na walang takip
  4. Palamigin at salaain.
    Uminom ng 1/3 baso, tatlong beses isang araw.

Paliligo

          Ilagay ang maraming dahon sa isang kaserolang tubig at pakuluan, ihalo ito sa tubig na gagamitin sa paliligo, maaari ding gamitin ang dahon bilang panghilod.

          Panlunas para sa sakit ng ulo, pigain o durugin ang dahon at ihalo sa langis ng niyog, ipahid sa noo at sentido.

Sambong - English

 
Kung gusto po ninyong mabasa sa Pilipino (Tagalog) Pumindot lamang po dito!


          Sambong (Blumea camphor, Ngai camphor in English, Alibum, Alimon, Ayoban, Bukodkud, Dalapot, Gabuen, Gintin-gintin, Kambibon, Lalakdan in Visayas and Sob-sob, Subusub, Subsob in Ilocos.) with a scientific name, Blumea balsamifera is one of the 10 herbal alternatives endorsed by the DOH (Department of Health) of the Philippines. It is antiulithiasis and work as diuretic, helps dispose excess water and sodium (salt) in the body and also help treat kidney disorder, used also to treat colds and mild hypertension, also known with Anti-diarrheic, Anti-gastralgic, anti-diarrhea and Anti-spasm properties.

          Also use as bath for women after child birth, clean wounds and cuts.

Use as herbal remedy for:

Leaves
     Dissolve kidney stones
     Edema
     Hypertension
     Rheumatism
     Colds
     Asthma
     Bronchitis
     UTI
     Stomachic
     Vermifuge
     Respiratory problems
     Sores
     Dysentery
     Sore throat
     Worms
     Boils
     Anti-diarrheic
     Anti-gastralgic

Dried leaves as cigarette
     Sinusitis.

Roots
     Fever

How to prepare:

As drink
  1. Wash the leaves and cut into pieces
  2. Measure 2 glasses of water and 1 glass of chopped leaves.
  3. Boil in low fire for 15 minutes without cover.
  4. Set aside, cool and strain.
    Drink 1/3 glass 3x a day.

As bath

          Include a lot of leaves into a casserole of water and let it boil, and add it to the water for bathing, you can also use the leaves as sponge.

          Leaves can be crushed or pounded and mixed with coconut oil and apply on forehead and temples for headaches

Friday, October 2, 2009

Lagundi - Pilipino (Tagalog)

 
To view in English Click here!


          Ang lagundi (Shrub or five-leaved chaste tree) na may sayantipikong pangalan na Vitex Negundo ay isa sa 10 halamang gamot na kinikilala ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH – Department of Health) ng Pilipinas, ayon sa pag-aaral at pananaliksik ang Lagundi ay nagtataglay ng chrysoplenol D, na nagpapaalwan ng kalamnan at may katangian ng anti-hitamine. Nagtataglay din ito ng isoorientin, casticin, luteolin-7-0-glucoside, bukod sa iba pang mga bagay na magpalabas ng resulta ng isang anti-histamine. Pinipigil din nito ang palabas ng leukotriene, isang mahalagang kayarian na pumipigil sa hika. Ang dahon, ugat, bulaklak at buto ng Lagundi ay kinakitaan din ng halaga sa panggagamot.

          Lumilitaw na ang Lagundi ay may pakinabang din bilang analagesic, ayon sa pag-aaral inihahalintulad ito sa mga gamot na kagaya ng aspirin na nagpakita na nakatutulong sa paglapat ng lunas sa mga karamdaman katulad ng sakit na dulot ng pagbunot ng ngipin.

Gamit bilang lunas sa mga sumusunod:

Dahon
     Hika
     Ubo
     Lagnat
    Trangkaso

Bulaklak
     Pagdudumi
     Kolera
     Lagnat
     Sakit sa atay
     Inirerekomenda din bilang pampalakas ng puso

Buto
     Pamamaga ng bibig
     Sakit sa balat
     Ketong

Ugat
     Hindi pagkatunaw ng pagkain
     Rayuma
     Bulate
     Apad
     Pigsa

Paghahanda:

Sabaw:
  1. Hugasang maigi at hiwain ng maliliit.
  2. Sukatin ang dalawang (2) baso ng tubig at isang (1) basong sariwang ginayat na dahon.
  3. Pakuluan sa mahinang apoy sa kalderong walang takip sa loob ng 15 minuto.
  4. Palamigin at salain
Ubo at Hika - 1/3 baso 2 beses isang araw.

Lagnat - 1/3 baso tuwing ikaw 4 na oras.

Ang paggamit sa bulaklak, buto at ugat. Pakuluan din tulad ng dahon.

Lagundi - English

 
Kung gusto po ninyong mabasa sa Pilipino (Tagalog) Pumindot lamang po dito!


          Lagundi (Shrub or five-leaved chaste tree) with a scientific name Vitex Negundo is one of the 10 herbal alternatives endorsed by the DOH (Department of Health) of the Philippines. It is know to be a common herbal medicine shrub grown wild in the Philippines. Research and studies shows that Lagundi has chrysoplenol D, smooth muscle relaxant with anti-histamine properties. It also contains isoorientin, casticin, luteolin-7-0-glucoside, among other things which exhibit an anti-histamine effect. Lagundi also shows leukotriene release inhibition, an important mechanism in controlling asthma. The leaves, root, flowers, and seeds of lagundi all appear to have medicinal value.

          Lagundi also appears to have some usefulness as an analgesic, being compared to drugs like aspirin in research and study that show to be helpful in the treatment of things like pain after dental extraction.

Use as herbal remedy for:

Leaves
     Asthma
     Coughs
     Fever
     Flu

Flowers
     Diarrhea
     Cholera
     Fever
     Diseases of the liver
     Also recommended as a cardiac tonic

Seeds
     Inflammation of the mouth
     Skin diseases
     Leprosy

Roots
     Dyspepsia
     Rheumatism
     Worms
     Colic
     Boil

How to prepare:

Decoction:

Wash the leaves thoroughly and chop into pieces.
Measure 2 glasses of water, and 1 glass of freshly chopped leaves.
Boil under low fire for 15 minutes without cover.
Set aside to cool and strain.

Cough and asthma - 1/3 glass 3x a day;

Fever - 1/3 glass every 4 hours

Flowers, seeds and roots. Boil as with the leaves.

Thursday, October 1, 2009

Ampalaya - Pilipino (Tagalog)

 
To view in English Click here!


          Ang Ampalaya (Bitter Melon o Bitter Gourd) na may scientipikong pangalan na Momordica charantia ay isa sa 10 halamang gamot na kinikilala ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH – Department of Health) ng Pilipinas, mayaman sa bitamina A, B at C, folic acid, calcium, phosphorous at iron. Katulad ng iminumungkahi ng pangalan sa English ito ay may mapait na lasa dahil sa taglay nitong Momordica. Ito ay ginagamit na gamot mula pa sa mga ninunong tao na nagpasalin-salin na ng ilang saling lahi at napatunayang mabisa ng ilang pag-aaral at pagsasaliksik sa buong mundo. Kilala ito bilang lunas sa napakaraming karamdaman ngunit isa sa pinaka makabuluhang pinag-gagamitan nito ay ang Dyabetes. Nakatutulong ito na makalikha ang pranceas ng Insulin na siyang namamahala ng asukal sa dugo dahil sa nilalaman nitong flavanoids at alkaloids. Maliban sa kilalang lunas sa dyabetes at problema sa atay ito ay ginagamit ding mapagpipiliang gamot laban sa HIV.

          Ang Ampalaya ay antioxidant at kilala din bilang panlaban sa bakteriya, antipirina, parasiticide at nakakatulong din itong makadagdag sa immune system upang labanan ang impeksyon.

Gamit bilang lunas sa mga sumusunod:

Dyabetes
Problema sa atay
Rayuma
Gota
Pagtatae
Sakit sa ulo
Tumutulong sa paglinis at paggaling ng mga sugat at paso
Ubo
Lagnat
Bulate sa tiyan
Tumutulong sa pagpigil ng ilang uri ng kanser.

Paghahanda:

          Ang Kagawarang ng Kalusugan (DOH - Department of Health) ng Pilipinas ay may iminumungkahing paraan kung paano ang paghahanda ng katas ng Ampalaya.

  1. Hugasan at hiwain ng maliliit ang dahon.
  2. Ihalo ang anim na kutsara ng ginayat na dahon sa dalawang baso ng tubig o 2 basong ginayat na dahos sa 4 na basong tubig.
  3. Pakuluan ang pinaghalo sa loob ng 15 minuto sa isang kaserolang walang takip.
  4. Hayaan itong lumamig at salain.
  5. Uminom ng 1/3 tasa ng sulusyon 30 minuto bago kumain, tatlong beses isang araw.
Maaari ding pasingawan at kainin ang talbos ng Ampalaya (1/2 tasa, 2 beses isang araw)

Kung gagamiting sa pag purga, painumin ng marami.

Upang magamit sa sugat, sakit sa balat at paso, painitin ang dahon at itapal sa bahaging apektado.


*


DOH - Circular No. 0058 s, 2007 : reinstating Ampalaya as Scientifically-validated herbal medicinal plant - http://www.doh.gov.ph/files/dc2007-0058.pdf