Pages

Thursday, October 1, 2009

Ampalaya - Pilipino (Tagalog)

 
To view in English Click here!


          Ang Ampalaya (Bitter Melon o Bitter Gourd) na may scientipikong pangalan na Momordica charantia ay isa sa 10 halamang gamot na kinikilala ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH – Department of Health) ng Pilipinas, mayaman sa bitamina A, B at C, folic acid, calcium, phosphorous at iron. Katulad ng iminumungkahi ng pangalan sa English ito ay may mapait na lasa dahil sa taglay nitong Momordica. Ito ay ginagamit na gamot mula pa sa mga ninunong tao na nagpasalin-salin na ng ilang saling lahi at napatunayang mabisa ng ilang pag-aaral at pagsasaliksik sa buong mundo. Kilala ito bilang lunas sa napakaraming karamdaman ngunit isa sa pinaka makabuluhang pinag-gagamitan nito ay ang Dyabetes. Nakatutulong ito na makalikha ang pranceas ng Insulin na siyang namamahala ng asukal sa dugo dahil sa nilalaman nitong flavanoids at alkaloids. Maliban sa kilalang lunas sa dyabetes at problema sa atay ito ay ginagamit ding mapagpipiliang gamot laban sa HIV.

          Ang Ampalaya ay antioxidant at kilala din bilang panlaban sa bakteriya, antipirina, parasiticide at nakakatulong din itong makadagdag sa immune system upang labanan ang impeksyon.

Gamit bilang lunas sa mga sumusunod:

Dyabetes
Problema sa atay
Rayuma
Gota
Pagtatae
Sakit sa ulo
Tumutulong sa paglinis at paggaling ng mga sugat at paso
Ubo
Lagnat
Bulate sa tiyan
Tumutulong sa pagpigil ng ilang uri ng kanser.

Paghahanda:

          Ang Kagawarang ng Kalusugan (DOH - Department of Health) ng Pilipinas ay may iminumungkahing paraan kung paano ang paghahanda ng katas ng Ampalaya.

  1. Hugasan at hiwain ng maliliit ang dahon.
  2. Ihalo ang anim na kutsara ng ginayat na dahon sa dalawang baso ng tubig o 2 basong ginayat na dahos sa 4 na basong tubig.
  3. Pakuluan ang pinaghalo sa loob ng 15 minuto sa isang kaserolang walang takip.
  4. Hayaan itong lumamig at salain.
  5. Uminom ng 1/3 tasa ng sulusyon 30 minuto bago kumain, tatlong beses isang araw.
Maaari ding pasingawan at kainin ang talbos ng Ampalaya (1/2 tasa, 2 beses isang araw)

Kung gagamiting sa pag purga, painumin ng marami.

Upang magamit sa sugat, sakit sa balat at paso, painitin ang dahon at itapal sa bahaging apektado.


*


DOH - Circular No. 0058 s, 2007 : reinstating Ampalaya as Scientifically-validated herbal medicinal plant - http://www.doh.gov.ph/files/dc2007-0058.pdf


No comments:

Post a Comment