Saturday, October 3, 2009

Sambong - Pilipino (Tagalog)

To view in English Click here!



          Sambong (Blumea camphor, Ngai camphor sa English, Alibum, Alimon, Ayoban, Bukodkud, Dalapot, Gabuen, Gintin-gintin, Kambibon, Lalakdan san Visayas and Sob-sob, Subusub, Subsob sa Ilocos.) may sayantipikong pangalan na Blumea balsamifera isa sa 10 halamang gamot na kinikilala ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH – Department of Health) ng Pilipinas. Ito ay isang antiulithiasis ito ay tumutulong bilang isang diuretiko, ito ay nakakatulong na itapon ang labis na tubig at sosa (asin) sa katawan at tumutulong din matrato ang sakit sa bato, ginagamit din upang magamot ang sipon at katamtamang pagtaas ng dugo. Kilala din ito na nagtataglay ng Anti-diarrheic, Anti-gastralgic, anti-diarrhea at Anti-spasm.

          Karaniwang din itong ginagamit na pampaligo sa mga bagong panganak, sa paglinis ng sugat at hiwa.

Gamit bilang lunas sa mga sumusunod:

Dahon
     Tumutunaw ng bato sa pantog
     Manas
     Pagtaas ng dugo
     Rayuma
     Sipon
     Hika
     Bronchitis
     UTI
     Gamot para sa tiyan
     Vermifuge
     Mga problema sa paghinga
     Sugat
     Iti
     Namamagang lalamunan
     Bulate sa tiyan
     Pigsa
     Anti-diarrheic
     Anti-gastralgic

Tuyong dahon ginagamit na sigarilyo
     Sinusitis.

Ugat
     Lagnat

Paghahanda:

Inumin
  1. Hugasan ang dahon at hiwain ng maliliit.
  2. Sukating ang 2 baso ng tubig at isang basong hiniwang dahon.
  3. Pakuluan sa mahinang apoy sa loob ng 15 minuto sa kaserola na walang takip
  4. Palamigin at salaain.
    Uminom ng 1/3 baso, tatlong beses isang araw.

Paliligo

          Ilagay ang maraming dahon sa isang kaserolang tubig at pakuluan, ihalo ito sa tubig na gagamitin sa paliligo, maaari ding gamitin ang dahon bilang panghilod.

          Panlunas para sa sakit ng ulo, pigain o durugin ang dahon at ihalo sa langis ng niyog, ipahid sa noo at sentido.

17 comments:

Unknown said...

hanggang ilaw araw naman or linggo o kaya buwan ang pag inom para mawala ang hika or uti o kya yung mga sakit na napapagaling nya

Unknown said...

hanggang ilang bwan or ling dapat uminom ng sambong para tuluyang mawala ang mga nabanggit na sakit gaya ng hika or uti..etc...??

Unknown said...

OK lang vha ang buntis iinom nito?

Unknown said...

oo

Unknown said...

Pwedi pobayan saken ako po at 11yearsold

Unknown said...

Pwede poba sa buntis ito kahit mag 3months palang buntis para Sa uti?

Unknown said...

Puede po bang uminom page me regla

Unknown said...

Pwede ba uminom ng nilagang sambong kahit mababa ang dugo moMoo

Unknown said...

Pwede po ba ito sa bagong panaganak months ago na nanganak pero namamanas po sya? Slamat po sa sasagot

Unknown said...

No sa mga buntis at breastfeeding

Unknown said...

pwd po ba sa 9months baby?

Unknown said...

Pwede po ba sa buntis ? 6months may uti po ako at mataas ang sugar sa dugo makakatulong po kaya ang sambong

Unknown said...

Pwedi ba uminom ng dahon ng nilagang sambong ang mababa ang dugo?ilang araw i linggo pweding uminom ng sambong?

unknown said...

pwed po bang uminomang buntis..

Unknown said...

puwede po ba uminnom kahit mababa ang dugo

Unknown said...

pwde po ba sa buntis,mga 3months po tyan ko my uti po kc ako,.safe ba sa baby pag iinom ako

Unknown said...

Pwede po ba yang sambong sa buntis 6 months po