Tawa-tawa
- Tagalog
Ang tawa tawa ay isang halamang gamot na
kilala din bilang gatas-gatas, may sayantipikong pangalan na Euphorbia hirta,
tumutubo sa mga damuhan, daanan, palayan at kahit sa gilid ng kalsada. Ang katutubong halaman na ito na may
mabalahibong dahon ay itinuturing ng nakararaming mga Pilipino na isang maalamat na panlunas sa sakit na dengue.
Nagbigay ng babala ang DOH sa mga gumagamit
nito na mag-ingat, sa kadahilanang, nagpaparami lang ito ng platelets ng dugo
at hindi panlaban sa virus ng dengue.
May iilan na seryosong malaman ang tunay na
katutuhan kung nakakatulong nga ito laban sa dengue, ang mga mag-aaral
ng UST – Faculty of Pharmacy ay nagsagawa ng pag-aaral ukol dito. (pumindot dito para sa link)
Ginagamit na gamot herbal sa:
Dengue
Pano ihanda:
Bilang
inumin
- Hugasan ang mga
dahon.
- Pakuluan sa
tubig
- Itabi, palamigin at salain.
Gamitin
tatlong beses isang araw, o gawing
pamalit sa inumin.
2 comments:
Nang binigay ng dios ang mundo sa tao completo na lahat ng kakailanganin ng tao.may pagkain.inumin.at gamot kung magkakaroon ng karamdaman.anong klaseng gamot? Halamang gamot.kahit ang mga hayop kapag sila ay may masamang nararmdaman sa kanilang sarili ay humahanap sila ng halamang gamot. At kinakain nila para maibsan ang kanilang karamdaman.kaya halamang gamot ang dapat na ginagamit na panglunas sa karamdaman ng tao aalamin lang kung anong klaseng halaman ang aangkop sa karamdaman ng pasyente.
Mataas na bp
Post a Comment