Wednesday, October 7, 2009

Tuba tuba - Pilipino (Tagalog)

Tuba tuba   - Tagalog
  
To view in English Click here! 

Ang tuba-tuba ay isang halamang gamot na may sayantipikong pangalan na Jotropha curcas, kilala sa Pilipinas bilang isang lunas sa pasa at natapilok na bukong-bukong.  Kulay pulang katas ang makukuha sa ugat nito at kulay asul naman sa kanyang balat.  Ang isa sa pinaka may pag-asa o inaasahan na parte ng punong ito ay ang kaniyang bunga na maaaring gawing alternatibong pangatong (biofuel).
Ang halamang ito ay lumalaki ng mula sa isa hanggang 8 metro o mahigit pa, may malapad na dahon at may limang umbok, 5 hanggang 8 pulgada ang haba.


Ginagamit na gamot herbal sa:
     Pasa
     Natapilok (bukong-bukong)

Paano gamitin:
Bilang pantapal: 
  1. Gugasan ang dahon
  2. Punasan ng malinis na damit upang matuyo
  3. Painitin sa mahinang apoy, lagyan ng langis, (langis ng niyog), ang iba ay gumagamit ng efficascent oil.
  4. Ilagay sa apektadong bahagi, balutin ng damit o bendahe. 

       Palitan kung ang dahon ay tuyo o malutong na. 

Bulaklak at bunga (sariwa at tuyo)


6 comments:

Sherwin Genonsalao said...

Ask ko lang kung anung remedy sa pagsusuka ng bata kc napaglaruan Nils ang bunga nito at tinikman.

Sherwin Genonsalao said...

Anung 1rst aid po para Hindi na palaging nagsusuka ang bata,dahil ang bunga nito ay napaglaruan at tinikman.

Unknown said...

Paano po ito nagagawang biofuel?

Unknown said...

Nkkgamot b ito s pasa

Unknown said...

Tuloy tuloy bato ginagamot at Ilang araw bago makita ang resulta

Unknown said...

Totoo po ba nakakagamot ang dahon nito kapag pinakuluan at inumin