Tuba
tuba - Tagalog
Ang tuba-tuba ay isang halamang gamot na may
sayantipikong pangalan na Jotropha curcas, kilala sa Pilipinas bilang isang
lunas sa pasa at natapilok na bukong-bukong.
Kulay pulang katas ang makukuha sa ugat nito at kulay asul naman sa
kanyang balat. Ang isa sa pinaka may
pag-asa o inaasahan na parte ng punong ito ay ang kaniyang bunga na maaaring
gawing alternatibong pangatong (biofuel).
Ang halamang ito ay lumalaki ng mula sa isa
hanggang 8 metro o mahigit pa, may malapad na dahon at may limang umbok, 5
hanggang 8 pulgada ang haba.
Ginagamit na gamot herbal sa:
Pasa
Natapilok (bukong-bukong)
Paano gamitin:
Bilang
pantapal:
- Gugasan ang
dahon
- Punasan ng
malinis na damit upang matuyo
- Painitin sa
mahinang apoy, lagyan ng langis, (langis ng niyog), ang iba ay gumagamit
ng efficascent oil.
- Ilagay sa apektadong bahagi, balutin ng damit o bendahe.
Palitan
kung ang dahon ay tuyo o malutong na.
Bulaklak at bunga (sariwa at tuyo)
6 comments:
Ask ko lang kung anung remedy sa pagsusuka ng bata kc napaglaruan Nils ang bunga nito at tinikman.
Anung 1rst aid po para Hindi na palaging nagsusuka ang bata,dahil ang bunga nito ay napaglaruan at tinikman.
Paano po ito nagagawang biofuel?
Nkkgamot b ito s pasa
Tuloy tuloy bato ginagamot at Ilang araw bago makita ang resulta
Totoo po ba nakakagamot ang dahon nito kapag pinakuluan at inumin
Post a Comment