Tuesday, October 6, 2009

Tawa-tawa - Pilipino (Tagalog)

Tawa-tawa - Tagalog

To view in English Click here! 



Ang tawa tawa ay isang halamang gamot na kilala din bilang gatas-gatas, may sayantipikong pangalan na Euphorbia hirta, tumutubo sa mga damuhan, daanan, palayan at kahit sa gilid ng kalsada.   Ang katutubong halaman na ito na may mabalahibong dahon ay itinuturing ng nakararaming mga Pilipino na isang  maalamat na panlunas sa sakit na dengue.
Nagbigay ng babala ang DOH sa mga gumagamit nito na mag-ingat, sa kadahilanang, nagpaparami lang ito ng platelets ng dugo at hindi panlaban sa virus ng dengue.
May iilan na seryosong malaman ang tunay na katutuhan kung nakakatulong nga ito laban sa dengue, ang mga mag-aaral ng UST – Faculty of Pharmacy ay nagsagawa ng pag-aaral ukol dito.  (pumindot dito para sa link)

 Ginagamit na gamot herbal sa:

Dengue

Pano ihanda:
Bilang inumin
  1. Hugasan ang mga dahon.
  2. Pakuluan sa tubig
  3. Itabi, palamigin at salain.
       Gamitin tatlong beses isang araw,  o gawing pamalit sa inumin.


2 comments:

Unknown said...

Nang binigay ng dios ang mundo sa tao completo na lahat ng kakailanganin ng tao.may pagkain.inumin.at gamot kung magkakaroon ng karamdaman.anong klaseng gamot? Halamang gamot.kahit ang mga hayop kapag sila ay may masamang nararmdaman sa kanilang sarili ay humahanap sila ng halamang gamot. At kinakain nila para maibsan ang kanilang karamdaman.kaya halamang gamot ang dapat na ginagamit na panglunas sa karamdaman ng tao aalamin lang kung anong klaseng halaman ang aangkop sa karamdaman ng pasyente.

Unknown said...

Mataas na bp