Showing posts with label tagalog. Show all posts
Showing posts with label tagalog. Show all posts

Wednesday, October 7, 2009

Tuba tuba - Pilipino (Tagalog)

Tuba tuba   - Tagalog
  
To view in English Click here! 

Ang tuba-tuba ay isang halamang gamot na may sayantipikong pangalan na Jotropha curcas, kilala sa Pilipinas bilang isang lunas sa pasa at natapilok na bukong-bukong.  Kulay pulang katas ang makukuha sa ugat nito at kulay asul naman sa kanyang balat.  Ang isa sa pinaka may pag-asa o inaasahan na parte ng punong ito ay ang kaniyang bunga na maaaring gawing alternatibong pangatong (biofuel).
Ang halamang ito ay lumalaki ng mula sa isa hanggang 8 metro o mahigit pa, may malapad na dahon at may limang umbok, 5 hanggang 8 pulgada ang haba.


Ginagamit na gamot herbal sa:
     Pasa
     Natapilok (bukong-bukong)

Paano gamitin:
Bilang pantapal: 
  1. Gugasan ang dahon
  2. Punasan ng malinis na damit upang matuyo
  3. Painitin sa mahinang apoy, lagyan ng langis, (langis ng niyog), ang iba ay gumagamit ng efficascent oil.
  4. Ilagay sa apektadong bahagi, balutin ng damit o bendahe. 

       Palitan kung ang dahon ay tuyo o malutong na. 

Bulaklak at bunga (sariwa at tuyo)


Tuesday, October 6, 2009

Tawa-tawa - Pilipino (Tagalog)

Tawa-tawa - Tagalog

To view in English Click here! 



Ang tawa tawa ay isang halamang gamot na kilala din bilang gatas-gatas, may sayantipikong pangalan na Euphorbia hirta, tumutubo sa mga damuhan, daanan, palayan at kahit sa gilid ng kalsada.   Ang katutubong halaman na ito na may mabalahibong dahon ay itinuturing ng nakararaming mga Pilipino na isang  maalamat na panlunas sa sakit na dengue.
Nagbigay ng babala ang DOH sa mga gumagamit nito na mag-ingat, sa kadahilanang, nagpaparami lang ito ng platelets ng dugo at hindi panlaban sa virus ng dengue.
May iilan na seryosong malaman ang tunay na katutuhan kung nakakatulong nga ito laban sa dengue, ang mga mag-aaral ng UST – Faculty of Pharmacy ay nagsagawa ng pag-aaral ukol dito.  (pumindot dito para sa link)

 Ginagamit na gamot herbal sa:

Dengue

Pano ihanda:
Bilang inumin
  1. Hugasan ang mga dahon.
  2. Pakuluan sa tubig
  3. Itabi, palamigin at salain.
       Gamitin tatlong beses isang araw,  o gawing pamalit sa inumin.


Monday, October 5, 2009

Ulasimang bato – Pansit pansitan - Pilipino (Tagalog)

Ulasimang bato – Pansit pansitan   - Tagalog
  
To view in English Clickhere! 

Ito ay isang  herbal na gamot at kilala din sa tawag na ulasiman-bato, ulasiman-ilahas, singaw-singaw, sida-sida, tagulinaw  at tangon-tangon sa ibang bahagi ng Pilipinas, ito ay kilala sa English name na Peperomia, shiny bush, silver bush, clear weed, rat-ear and clear weed.
Isang uri ng ilang na halamang tumutubo sa mga basa at nalililimang lugar, it ay may hugis pusong dahon na salitan ang pag-tubo sa pabilog at makatas na sanga, ang bulaklak nito ay maliliit na pabilog na nahuhulog sa lupa at dumadami.
Ang dahon at sanga nito ay maaaring kainin, ginagamit ito ng karamihan sa paggawa ng salad at maaaring kainin ng hilaw.
Ginagamit na gamot herbal sa:
Rayuma
Gout
Pigsa
Sugat
Sunog na balat
Pamamaga ng balat
Tagihawat
Sakit ng ulo
Sakit ng tiyan
Problema sa bato
Pamamaga ng mata
Sakit ng lalamunan
Pagtatae
Problema sa pantog
Mataas na dugo
Lagnat
Mental excitement disorder .

Paano ihanda:
Bilang gulay
       Ang dahon at tangkay nito ay maaaring kainin ng hilaw, kapag sariwang inani at hinugasan.
Bilang inumin
  1. Hugasan ang dahon / sanga
  2. Magsukat ng dalawang (2) baso ng tubig sa isang(1) baso ng dahon / tangkay
  3. Pakuluan
  4. Itabi, palamigin at salain.
       Inumin ng dalawang (2) beses isang araw, isang (1) baso sa umaga at isang (1) baso sa gabi.
Para sa balat
       Hugasan at dikdikin ang dahon / sanga at ipahid sa apektadong bahagi.
Para sa sakit ng ulo
        Hugasan ang ilang piraso ng dahon, bugbugin/pasain ang buong dahon at ilagay sa noo.

Sunday, October 4, 2009

Bayabas - Pilipino (Tagalog)

  
To view in English Click here! 



Ang bayabas ay isang maliit na puno na namumunga.   Ang dahon at bunga nito ay kilala sa at ginagamit na gamot sa Pilipinas, at ito ay kinikilala ng Philippine Department of Health dahil sa mabisang kakayahan nito.
Ang bayabas ay kilala bilang herbal na gamot na anti-inflammatory, antimicrobial, antioxidant, anti-allergy, antiseptic , anti-plasmodial, antidiabetic, antigenotoxic and for treatment of cough.  Ang bunga nito ay kilala na nagtataglay ng  bitamina C at bitamina  A
 Karaniwang din itong ginagamit na pampaligo sa mga bagong panganak, sa paglinis ng sugat at hiwa.
 Ginagamit na gamot herbal sa:

Dahon at balat
     Sugat
     Hiwa
 
     Sunog
     Panlinis ng bunganga

     Ubo
     Pampaligo sa bagong panganak
     Pampabango sa tubig pangligo
     Panlinis at panglanggas sa bagong tuli
     Panghugas sa maselang bahagi ng babae
     Pamamaga ng gilagid
     Pagdurugo ng ilong
     Sakit ng ngipin
Bunga
     Mapagkukunan ng bitamina C 
     Ginagamit na gulay sa pagluluto

Paano ang paghahanda

Bilang inumin
  1. Hugasang maigi ang dahon
  2. Isang (1) basong dahon sa tatlong (3) baso ng tubig.
  3. Pakuluan sa loog ng 8 hanggang 10 minuto.
  4. Itabi, palamigin at salain.
    Magmumog upang gawing panlinis sa bibig.
    Para sa sugat o hiwa, hugasan ang bahaging apektado, tatlong (3) beses isang araw.
    Ginagamit na panglanggas at panlinis ng mga bagong tuli.

Bilang pampaligo

           Ginagamit bilang sa unang pagligo ng bagong panganak.   
Ilagay ang maraming dahon sa isang kaserolang tubig at pakuluan, ihalo ito sa tubig na gagamitin sa paliligo, sukatin ng naayon sa nais na init,  maaari ding gamitin ang dahon bilang panghilod.

Saturday, October 3, 2009

Sambong - Pilipino (Tagalog)

To view in English Click here!



          Sambong (Blumea camphor, Ngai camphor sa English, Alibum, Alimon, Ayoban, Bukodkud, Dalapot, Gabuen, Gintin-gintin, Kambibon, Lalakdan san Visayas and Sob-sob, Subusub, Subsob sa Ilocos.) may sayantipikong pangalan na Blumea balsamifera isa sa 10 halamang gamot na kinikilala ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH – Department of Health) ng Pilipinas. Ito ay isang antiulithiasis ito ay tumutulong bilang isang diuretiko, ito ay nakakatulong na itapon ang labis na tubig at sosa (asin) sa katawan at tumutulong din matrato ang sakit sa bato, ginagamit din upang magamot ang sipon at katamtamang pagtaas ng dugo. Kilala din ito na nagtataglay ng Anti-diarrheic, Anti-gastralgic, anti-diarrhea at Anti-spasm.

          Karaniwang din itong ginagamit na pampaligo sa mga bagong panganak, sa paglinis ng sugat at hiwa.

Gamit bilang lunas sa mga sumusunod:

Dahon
     Tumutunaw ng bato sa pantog
     Manas
     Pagtaas ng dugo
     Rayuma
     Sipon
     Hika
     Bronchitis
     UTI
     Gamot para sa tiyan
     Vermifuge
     Mga problema sa paghinga
     Sugat
     Iti
     Namamagang lalamunan
     Bulate sa tiyan
     Pigsa
     Anti-diarrheic
     Anti-gastralgic

Tuyong dahon ginagamit na sigarilyo
     Sinusitis.

Ugat
     Lagnat

Paghahanda:

Inumin
  1. Hugasan ang dahon at hiwain ng maliliit.
  2. Sukating ang 2 baso ng tubig at isang basong hiniwang dahon.
  3. Pakuluan sa mahinang apoy sa loob ng 15 minuto sa kaserola na walang takip
  4. Palamigin at salaain.
    Uminom ng 1/3 baso, tatlong beses isang araw.

Paliligo

          Ilagay ang maraming dahon sa isang kaserolang tubig at pakuluan, ihalo ito sa tubig na gagamitin sa paliligo, maaari ding gamitin ang dahon bilang panghilod.

          Panlunas para sa sakit ng ulo, pigain o durugin ang dahon at ihalo sa langis ng niyog, ipahid sa noo at sentido.

Friday, October 2, 2009

Lagundi - Pilipino (Tagalog)

 
To view in English Click here!


          Ang lagundi (Shrub or five-leaved chaste tree) na may sayantipikong pangalan na Vitex Negundo ay isa sa 10 halamang gamot na kinikilala ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH – Department of Health) ng Pilipinas, ayon sa pag-aaral at pananaliksik ang Lagundi ay nagtataglay ng chrysoplenol D, na nagpapaalwan ng kalamnan at may katangian ng anti-hitamine. Nagtataglay din ito ng isoorientin, casticin, luteolin-7-0-glucoside, bukod sa iba pang mga bagay na magpalabas ng resulta ng isang anti-histamine. Pinipigil din nito ang palabas ng leukotriene, isang mahalagang kayarian na pumipigil sa hika. Ang dahon, ugat, bulaklak at buto ng Lagundi ay kinakitaan din ng halaga sa panggagamot.

          Lumilitaw na ang Lagundi ay may pakinabang din bilang analagesic, ayon sa pag-aaral inihahalintulad ito sa mga gamot na kagaya ng aspirin na nagpakita na nakatutulong sa paglapat ng lunas sa mga karamdaman katulad ng sakit na dulot ng pagbunot ng ngipin.

Gamit bilang lunas sa mga sumusunod:

Dahon
     Hika
     Ubo
     Lagnat
    Trangkaso

Bulaklak
     Pagdudumi
     Kolera
     Lagnat
     Sakit sa atay
     Inirerekomenda din bilang pampalakas ng puso

Buto
     Pamamaga ng bibig
     Sakit sa balat
     Ketong

Ugat
     Hindi pagkatunaw ng pagkain
     Rayuma
     Bulate
     Apad
     Pigsa

Paghahanda:

Sabaw:
  1. Hugasang maigi at hiwain ng maliliit.
  2. Sukatin ang dalawang (2) baso ng tubig at isang (1) basong sariwang ginayat na dahon.
  3. Pakuluan sa mahinang apoy sa kalderong walang takip sa loob ng 15 minuto.
  4. Palamigin at salain
Ubo at Hika - 1/3 baso 2 beses isang araw.

Lagnat - 1/3 baso tuwing ikaw 4 na oras.

Ang paggamit sa bulaklak, buto at ugat. Pakuluan din tulad ng dahon.

Thursday, October 1, 2009

Ampalaya - Pilipino (Tagalog)

 
To view in English Click here!


          Ang Ampalaya (Bitter Melon o Bitter Gourd) na may scientipikong pangalan na Momordica charantia ay isa sa 10 halamang gamot na kinikilala ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH – Department of Health) ng Pilipinas, mayaman sa bitamina A, B at C, folic acid, calcium, phosphorous at iron. Katulad ng iminumungkahi ng pangalan sa English ito ay may mapait na lasa dahil sa taglay nitong Momordica. Ito ay ginagamit na gamot mula pa sa mga ninunong tao na nagpasalin-salin na ng ilang saling lahi at napatunayang mabisa ng ilang pag-aaral at pagsasaliksik sa buong mundo. Kilala ito bilang lunas sa napakaraming karamdaman ngunit isa sa pinaka makabuluhang pinag-gagamitan nito ay ang Dyabetes. Nakatutulong ito na makalikha ang pranceas ng Insulin na siyang namamahala ng asukal sa dugo dahil sa nilalaman nitong flavanoids at alkaloids. Maliban sa kilalang lunas sa dyabetes at problema sa atay ito ay ginagamit ding mapagpipiliang gamot laban sa HIV.

          Ang Ampalaya ay antioxidant at kilala din bilang panlaban sa bakteriya, antipirina, parasiticide at nakakatulong din itong makadagdag sa immune system upang labanan ang impeksyon.

Gamit bilang lunas sa mga sumusunod:

Dyabetes
Problema sa atay
Rayuma
Gota
Pagtatae
Sakit sa ulo
Tumutulong sa paglinis at paggaling ng mga sugat at paso
Ubo
Lagnat
Bulate sa tiyan
Tumutulong sa pagpigil ng ilang uri ng kanser.

Paghahanda:

          Ang Kagawarang ng Kalusugan (DOH - Department of Health) ng Pilipinas ay may iminumungkahing paraan kung paano ang paghahanda ng katas ng Ampalaya.

  1. Hugasan at hiwain ng maliliit ang dahon.
  2. Ihalo ang anim na kutsara ng ginayat na dahon sa dalawang baso ng tubig o 2 basong ginayat na dahos sa 4 na basong tubig.
  3. Pakuluan ang pinaghalo sa loob ng 15 minuto sa isang kaserolang walang takip.
  4. Hayaan itong lumamig at salain.
  5. Uminom ng 1/3 tasa ng sulusyon 30 minuto bago kumain, tatlong beses isang araw.
Maaari ding pasingawan at kainin ang talbos ng Ampalaya (1/2 tasa, 2 beses isang araw)

Kung gagamiting sa pag purga, painumin ng marami.

Upang magamit sa sugat, sakit sa balat at paso, painitin ang dahon at itapal sa bahaging apektado.


*


DOH - Circular No. 0058 s, 2007 : reinstating Ampalaya as Scientifically-validated herbal medicinal plant - http://www.doh.gov.ph/files/dc2007-0058.pdf