Pages

Wednesday, August 10, 2016

Luyang dilaw - Tagalog

If you want to read in English Click here


          Luyang dilaw o Turmeric sa English (Scientific name : Curcuma xanthorrhiza Naves, Curcuma domestica Valeton, Jiang huang (Chin.)) Tinatawag din itong Angay sa Pampanga, Kalabaga, Kalawag, Kalauag, Kinamboy, Kinamboi, Kulalo, Lampuyang sa Bisaya, Pangar, Pangas (Pamp.),  Kulyaw, Kunig (Ilk.),          kunik (Ibn.), Lawag (Sub.), Parak (Kuy.), Salampawyan, Salampauyan (Bag.), Yu-chin  sa Intsik / Chinese.

          Karaniwang ginagamit na rekado sa pagluluto, pangkulay at ang pulbos ng curry.   Magandang pagkunan ng iron, calcium at phosphorus.   Ang sariwang katas ng ugat nito ay ginagmit na anthelmintic, Ginagamit ding antisiptiko sa mga sugat sa pamamagitan ng pagdurog sa ugat at itapal sa sugat o galos.   Ayon sa pag-aaral na ginawa ukol ditto, pinaniniwalaang nakakatulong ito sa therapeutics, antioxidant, antibacterial, antifungal, antiviral, hepatoprotective, immunomodulatory, at meron din itong anticarcinogenic na epekto. Ginagamit din itong pamahid, langis at losyon, meron din itong pampasiglang bango.  Mayroon itong aktibong sangkap na Flavonoid Curcumin (diferuloylmethane),  may mga sangkap din itong langis na madaling matuyo, tulad ng tumerone, zingiberone at atlantone.


Ginagamit na gamut herbal sa:

Ugat
     Iti
     Sakit ng tiyan
     Kabag
     Hilab ng tiyan
     Arthritis
     Sugat / galos / pasa  
     Ketong
     Problema sa atay
     Pamamaga
     Kagat ng kulisap
     Tagihawat
     Sipon
     Ubo
     Kagat ng linta
     Pilay / tapilok


Bulaklak
     Buni
     Parasitic skin infections


Paraan ng paggamit:

Bilang pamahid
1.     Hugasan ang di binalatang luya, hiwain ng maliliit.
2.     Sumukat ng kalahating baso ng langis ng niyog
3.     Igisa sa mahinang apoy sa loob ng limang minute
4.     Itabi at palamigin.
    Ipahid sa apektadong bahagi.

Bilang inumin
1.     Hugasan ang di binalatang luya, hiwain ng maliliit.
2.     Tatlong baso ng tubig at ilagay ang hiniwang luya.
3.     Pakuluan sa loob ng ilang minuto.
4.     Itabi, palamigin at salain
Maaring dagdagan ng tubig upang mabawasan ang lasa ayon sa inyong palagay.  Uminom ng isang baso, tatlong beses isang araw o higit pa.

Bilang antiseptiko

          Durugin ang ugat ng luya at ilagay ng tuluyan sa sugat o pamamaga.


No comments:

Post a Comment