If you want to read in
English Click here
Luyang dilaw o Turmeric sa English (Scientific name : Curcuma xanthorrhiza Naves, Curcuma domestica Valeton,
Jiang huang (Chin.)) Tinatawag din itong Angay sa Pampanga, Kalabaga, Kalawag,
Kalauag, Kinamboy, Kinamboi, Kulalo, Lampuyang sa Bisaya, Pangar, Pangas
(Pamp.), Kulyaw, Kunig (Ilk.), kunik (Ibn.), Lawag (Sub.), Parak
(Kuy.), Salampawyan, Salampauyan (Bag.), Yu-chin sa Intsik / Chinese.
Karaniwang ginagamit na rekado sa pagluluto, pangkulay at
ang pulbos ng curry. Magandang pagkunan
ng iron, calcium at phosphorus. Ang sariwang katas ng ugat nito ay ginagmit na
anthelmintic, Ginagamit ding antisiptiko sa mga sugat sa pamamagitan ng
pagdurog sa ugat at itapal sa sugat o galos. Ayon sa pag-aaral na ginawa ukol ditto,
pinaniniwalaang nakakatulong ito sa therapeutics, antioxidant, antibacterial,
antifungal, antiviral, hepatoprotective, immunomodulatory, at meron din itong
anticarcinogenic na epekto. Ginagamit din itong pamahid, langis at losyon,
meron din itong pampasiglang bango.
Mayroon itong aktibong sangkap na Flavonoid Curcumin (diferuloylmethane),
may mga sangkap din itong langis na madaling
matuyo, tulad ng tumerone, zingiberone at atlantone.
Ginagamit
na gamut herbal sa:
Ugat
Iti
Sakit ng tiyan
Kabag
Hilab ng tiyan
Arthritis
Sugat / galos / pasa
Ketong
Problema sa atay
Pamamaga
Kagat ng kulisap
Tagihawat
Sipon
Ubo
Kagat ng linta
Pilay / tapilok
Bulaklak
Buni
Parasitic skin infections
Paraan
ng paggamit:
Bilang
pamahid
1.
Hugasan ang di
binalatang luya, hiwain ng maliliit.
2.
Sumukat ng kalahating
baso ng langis ng niyog
3.
Igisa sa mahinang apoy
sa loob ng limang minute
4.
Itabi at palamigin.
Ipahid
sa apektadong bahagi.
Bilang
inumin
1.
Hugasan ang di
binalatang luya, hiwain ng maliliit.
2.
Tatlong baso ng tubig at
ilagay ang hiniwang luya.
3.
Pakuluan sa loob ng
ilang minuto.
4.
Itabi, palamigin at
salain
Maaring
dagdagan ng tubig upang mabawasan ang lasa ayon sa inyong palagay. Uminom ng isang baso, tatlong beses isang
araw o higit pa.
Bilang
antiseptiko
Durugin ang ugat ng luya at ilagay ng tuluyan sa sugat o
pamamaga.
No comments:
Post a Comment